Dagupan City – Bilang parte sa paghahanda ng mga empleyadong sasabak sa Career Service Examination sa Marso ay isinagawa ang mock test upang malaman ang kanilang kahandaan at ang resulta ng ilang linggong pagsasanay na handog ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos.
At kaugnay nito ay nagdaos ng isang pagkilala at pasasalamat sa mga empleyado at lecturer na nagbahagi ng kanilang kaalaman, kung saan sila ay nabigyan ng mga simpleng token at pagkilala bilang pagpapahalaga sa kanilang ambag.
Bukod dito ay ipinagkaloob ang sertipiko ng pagkilala sa mga lekturer na nagpakita ng walang-hanggang suporta at nagbahagi ng kanilang kaalaman upang matiyak ang tagumpay ng mga sesyon ng Assistance/Knowledge Enhancement. Nagpasalamat din ang alklade sa lahat ng mga kalahok sa aktibidad na nagdulot ng pag-unlad sa personal at propesyonal na kakayahan ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan.