Abanse na sa round of 16 ng WTA 125 Birmingham Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos talunin niya si Priscilla Hon ng Australia sa score na 6-0 at 6-2.

Sa unang set ay dominado ni Eala ang laro kung saan tinapos niya ito sa loob ng 22 minuto.

--Ads--

Pagpasok naman ng ikalawang set ay bahagyang nakabawi si Hon na ranked 143 sa WTA kung saan nahabol pa nito ang 5-0 na kalamangan ni Eala.

Hindi naman na hinayaan ng Pinay tennis star na makuha pa ni Hon ang panalo kaya tinapos niya ang laro ng halos isang oras.

Ito na ang pangatlong paghaharap ng dalawa kung saan noong 2024 ay nagwagi si Hon sa Ningbo Open at panalo naman si Eala sa unang paghaharap nila noong Roehampton Open noong 2023.

Susunod na makakaharap ni Eala ang sinumang manalo sa pagitan nina Alina Charaeva at Green Minnen.