Aabot sa 100 mga witnesses ang ipipresenta ng prosecutors sa International Criminal Court (ICC) para tumestigo laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni ICC spokesperson Oriane Huber Maillet na ang nasabing mga witnesses ay haharap sa ICC chamber sa darating na Nobyembre 30.
Nahaharap ang dating pangulo ng three counts ng umanoy crime against humanity dahil sa kampanya nito laban sa iligal na droga noong ito ay alkalde ng Davao City at pangulo ng bansa.
Dagdag pa ni Maillet, na bago magsimula ang pagdinig ay tatanungin ang dating pangulo kung naiintindihan ang mga kaso laban sa kaniya.
Tatanungin din ito kung maghahain siya ng guilty o not guilty plea.
Pagkatapos nito ay magkakaroon ng opening statements mula sa prosecution,legal representatives ng mga biktima at maikling pahayag mula sa kampo ni Duterte.
Susundan ito ng agarang pagpresenta ng prosecution ng unang witness nila.
Lima aniya sa witness ng prosecution ang inaasahang magtetestigo bago ang recess ng korte sa darating na Disyembre 18.
Pagnatapos ng maipresenta ng prosecution ang kanilang witness at ebidensiya ay susunod naman ang depensa.
Hindi naman binanggit kung ilan ang witness naman na ipipresenta ng depensa.
Wala ding ibinigay si Maillet kung hanggang kailan magtatagal ang nasabing pagdinig kung saan dedepende ito sa bilang ng mga ebidensiya ganun ang witnesses.
Mayroon kasing mahigit 500 biktima ang otorisado na makibahagi sa pagdinig sa pamamagitan ng kanilang tatlong legal representatives.
Aabot sa mahigit 6,000 katao ang nasawi sa war on drugs sa ilalim ng kampanya ng dating pangulo ito ay base sa datos ng gobyerno subalit sa pagtaya ng human rights watchdogs at ICC prosecutors ay aabot umano sa 12,000 hanggang 30,000 ang bilang ng biktima mula 2016 hanggang 2019.
Ipinaliwanag din nito na walang halong pulitika ang ginagawa nilang imbestigasyon at ang pagdinig ay isinagawa ng patas at transparent base na rin sa isinaad sa Rome Statue o kasunduan na ipinatupad sa ICC.










