DAGUPAN CITY- Umaasa ang mga kaanak ng mga nabiktima ng War on Drugs ng Administrasyong Duterte sa pagpapatuloy ng confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) matapos ang matagal na pagkakaantala na aabot na ito hanggang sa trial.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Neri Colmenares, Counsel for Victims ng National Union of Peoples’ Lawyers, aniya, aniya, umaasa sila na sa trial ay maibahagi na ng mga biktima ang kanilang panig bilang karagdagang ebidensya laban sa dating pangulo.

Nakikita niya na malakas ang laban ng mga biktima habang walang matibay na depensa ang kampo ng dating pangulo dahilan upang pigilan nila ang pag-usad ng proseso.

--Ads--

Giit ni Atty. Colmenares, malinaw naman sa mga pahayag ni Duterte sa media at sa harap ng publiko ang mga kautusan hinggil sa pagpaslang.

Bukod pa riyan, may mga matibay na testigo, tulad ni retired Police Col. Royina Garma, na nagpapatunay sa mga kautusan at pondohan ang pagpaslang.

Samantala, binigyan halaga niya ang pagdaan sa confirmation of charges upang kumpirmahin ang mga kasong kakaharapin ng dating pangulo.

Ito ay kabilang sa due process ng ICC bilang pagrespeto sa karapatan ng akusado.

Kasunod na nito ang trial at kabilang sa maaaring humarap na abugado ng mga biktima, bukod pa kay Atty. Colmenares, ay sina Atty. Joel Butuyan, Atty. Kristina Conti, at si Atty. Gilbert Andres.