Ibinahagi ng isang constitutional lawyer ang posibleng epekto sa majority sa Senado kaugnay ng pagsuko ni Senador Jinggoy Estrada.

Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, constitutional lawyer sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nabawasan ng isang boto ang bilang ng majority para sa mga ihahain na resolusyon at paggawa ng mga batas dahil hindi pa natalakay sa plenaryo ang panukala ni Senate President Alan Peter Cayetano na payagan ang mga senador na makaboto online.

Aniya, kung sakaling magboto ang Senado sa panukala, maaaring magdulot ito ng deadlock dahil magiging 11 ang boto na kailangan upang mapasa ang isang panukala.

--Ads--

Dahil dito, hindi makaboto si Senador Jinggoy Estrada at si Senador Bato dela Rosa, na maaaring makahadlang sa pag-apruba ng mga panukala sa plenaryo.

Dagdag pa ni Cera, kahit si Senate President Cayetano ay hindi uusad sa mga panukala kung walang suporta mula sa isang miyembro ng minority bloc, na posibleng magdulot pa rin ng deadlock.

Nababawasan din umano ng isang boto ang bilang ng majority sa mga proposyal, resolution, at batas na isusulong.

Samantala, iginiit ni Cera na ang kasong plunder laban kay Jinggoy Estrada ay non-bailable, kaya’t hindi siya makakalabas ng kulungan at hindi rin makakasali sa mga sesyon ng Senado o sa proseso ng impeachment.

Sa kabilang banda, naniniwala si Cera na magpapatuloy ang tamang proseso ng paglilitis sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, dahil nakapag-convene na ang Senado bilang impeachment court.