Dagupan City – Naglaan si Mayor Bona Fe de Vera-Parayno ng ₱10.3 milyon mula sa 20% Development Fund para sa konstruksyon at paglilinis ng mga drainage canal sa Barangay Poblacion.
Sa kabuuang pondo, ₱9.3 milyon ang ilalaan sa mga bagong drainage canal habang ₱1 milyon naman para sa declogging o paglilinis ng mga baradong kanal.
Nagsagawa na ng ocular inspection ang Municipal Engineering Office sa Ydia, Presto at Garcia Streets, kung saan isasagawa ang proyekto. Kasama rin dito ang pagtatayo ng mga cross drainage upang mapalawak ang daluyan ng tubig sa mga lugar na kulang ang kapasidad ng kasalukuyang drainage system.
Nakatakdang simulan ang proyekto ngayong ikaapat na quarter ng 2026 bilang bahagi ng mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang mapabuti ang drainage system at mabawasan ang pagbaha sa Barangay Poblacion.
Bahagi ang proyekto ng pagpapatupad ng Comprehensive Drainage Master Plan ng Mangaldan.










