Dagupan City – Inilunsad sa Sta. Barbara ang mga bagong pasilidad ng Agricultural Training Institute–Regional Training Center I (ATI-RTC I) na nakatuon sa pagsasanay, kaalaman at inobasyon sa agrikultura.

Kinatawan ni Provincial Administrator Manuel Luis Jr. si Governor Ramon V. Guico III sa aktibidad, kasama ang mga opisyal ng ATI sa pangunguna nina Director Remelyn R. Recoter at Center Director Jayvee Bryan G. Carillo.

Kabilang sa mga inilunsad ang Agri-Innovation Hub, Timpuyog Hall at Sirib ti Amianan na inaasahang makatutulong sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa Pangasinan at Rehiyon I.

--Ads--

Ipinahayag din ng Pamahalaang Panlalawigan ang patuloy na suporta nito sa mga programa ng ATI-RTC I para sa pagpapaunlad ng agrikultura.