Umabot sa 214 ang naitalang bilang ng mga estudyanteng huminto sa pag-aaral sa Mangaldan National High School nitong nakaraang school year.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, bagamat higit 8,000 ang kabuuang enrollees, itinuturing pa ring malaking bilang ang mga nag-drop out. Dahil dito, inilunsad ang programang “Hanapin Sila” na layong maibalik sa paaralan ang mga tumigil sa pag-aaral.
Ayon kay Eduardo Castillo, makikipag ugnayan ang eskwelahan sa lokal na pamahalaan ng Mangaldan upang mas mapadali at maging sistematiko ang paghahanap sa mga mag-aaral.
Sa susunod na linggo, nakatakda nang simulan ang barangay visitation upang tukuyin at personal na hikayatin ang mga kabataang huminto sa pag-aaral na muling bumalik ngayong pasukan.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng paaralan ay ang kawalan ng interes ng ilang kabataan sa pag-aaral, dahilan upang isama ito sa talakayin sa isinasagawang assessment ng paaralan.
Layunin nitong matukoy ang ugat ng suliranin at makapaglatag ng mga konkretong adjustment upang mahikayat ang mga mag-aaral na manatili sa eskwela.
Samantala, gaganapin ang isang pagpupulong sa darating na Hunyo 11 upang ipaliwanag sa mga magulang ang kabuuang sitwasyon, at kung paano sila maaaring makibahagi sa pagsusumikap ng paaralan na maibalik ang mga bata sa pag-aaral ngayong taon.
Home Local News Mahigit 200 Estudyante ng Mangaldan National High School Nag-Drop Out; Programang “Hanapin...