Dagupan City – Nanawagan ang Magsasaka Partylist na kailangang palakasin ang suporta sa murang bigas nang hindi nalulugi ang mga magsasaka.
Ayon kay Argel Cabatbat, Chairman ng Magsasaka Partylist, magandang hakbang umano na tinanggap ng Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi pa pangmalawakan ang kanilang mga programa sa subsidiya ng bigas.
Aiya, ipinapakita ng mga ito na nakikinig ang gobyerno sa hinaing ng mamamayan.
Ngunit binigyang-diin ni Cabatbat na upang maging tunay na epektibo ang mga ganitong programa, kinakailangan ng mas malaking pondo.
Dahil hindi dapat umabot sa puntong kailangang magkasundo pa kung sino lang ang pwedeng makinabang at lahat ng nangangailangan dapat ay maabot.
Sa gitna ng isyu sa mataas na presyo ng bigas, nanawagan si Cabatbat na dapat maabot ang layunin ng murang bigas para sa masa, ngunit hindi dapat ito nakakapinsala sa mga lokal na magsasaka. Paalala rin ni Cabatbat sa publiko na huwag laging kontrahin ang pamahalaan, ngunit dapat rin aniyang maging mapanuri sa mga hakbang nito.
Nananawagan din ito ng konkretong aksyon at mas matatag na plano upang matulungan hindi lamang ang mga konsyumer, kundi pati na rin ang mga tunay na haligi ng agrikultura — ang mga magsasaka.