DAGUPAN CITY- Hindi na nagawa pang makaligtas ng magpinsan sa bayan ng San Jacinto matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motor sa isang poste ng kuryente.

Ayon kay PMaj. Napoleon Velasco Jr., Officer-in-charge ng San Jacinto MPS, 17-gulang lamang ang nagmamaneho at 12 taon naman ang backride nito, parehong residente sa bayan ng Mapandan.

Alas-9 ng gabi nang binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng National Highway ng Brgy. Guibel, sa naturang bayan papuntang bayan ng San Fabian.

--Ads--

Kalaunan ay nawalan ng kotrol ang drayber na naging sanhi ng kanilang pagkakabangga sa poste.

Nagtamo ang mga biktima ng malalaking sugat dahil na din sa walang suot ang mga ito ng protective gears.

Agad din dinala ang mga ito sa ospital subalit idineklara ding dead on arrival.

Napag-alaman naman ng mga kapulisan na hapon pa lamang ay nasa impluwensya na ng alak ang drayber.