Dagupan City – Target ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Laoac ang housing program sa mga mahihirap nitong residente.
Sa naging mensahe ni Laoac Mayor Ricardo Balderas kinabibilangan ito ng sektor ng agrikultura, at kalusugan.
Aniya, nais niyang maging daan ito para magkaroon ng sariling bahay ang mga mahihirap sa bayan.
Hinggil naman sa sektor ng agrikultura, isa sa kanilang isinasagawa ay ang pagbibigay ng libreng abono, water pumps, sprayers, portable palay dryer, at iba pa.
--Ads--
Dagdag pa ang 90% na accomplishments sa Annex extension sa munisipyo ng bayan.
Binalikan naman nito ang kaniyang pagkapanalo noong 2019, 2022, at 2025, na siyang nagpapatunay aniya sa tiwala ng mga residente sa kaniyang pamumuno.