Mga kabombo! Isa ka ba sa mga mahilig mamalagi sa labas ng bahay?
O kaya’y nakita mo na rin ba ang iyung sarili sa Google Maps?
Nakuhanan kasi ng hubad sa sariling bakuran ang isang lalaki at nailathala ito sa Google Street View noong 2017.
Kinilala ang lalaki na isang pulis sa Argentina.
Bagama’t hindi kita ang kanyang mukha, makikita ang address ng kanyang bahay kaya siya ay napahiya at kinutya ng komunidad.
Dahil dito, nagsampa ng reklamo ang lalaki ngunit sa unang pagkakataon ay ibinasura rin ang kanyang reklamo,
Hindi rito natigil dahil agad na umapela ito, hanggang sa kinatigan siya ng mas mataas na korte.
Ayon sa desisyon, nilabag ng Google ang kanyang privacy at sinira ang kanyang dignidad, at hindi sapat ang depensa ng Google na mababa lang ang bakod ng biktima.
Dahil dito, inutusan ng korte ang Google na magbayad ng 16 million Argentine pesos (mahigit 700,000 Philippine pesos) bilang danyos.