Dagupan City – Binigyang-diin ng OCD na kailangan nang lumipat mula sa reaktibong pagtugon tungo sa mas proaktibong pamamahala sa panganib, lalo na sa harap ng mas matitinding epekto ng climate change.

Ayon sa pamunuan, mahalagang magkaugnay ang Incident Command System (ICS) at EOC upang mapabilis at mapahusay ang koordinadong aksyon ng mga ahensya.

Tinalakay din ang mga kakulangan sa nakaraang operasyon at ang patuloy na pagtaas ng mga banta tulad ng extreme weather, El Niño, at posibleng hazard mula sa Manila Trench.