BOMBO DAGUPAN – Hindi pa handang magkaroon ng panibagong love life ang aktres na si Jackie Lou Blanco, lalo na sa tagal daw ng pagiging single nito kaya’t never na itong sumagi sa kanyang isip.

Naniniwala kasi ang 60-year-old actress na kung may taong nakalaan na para sa kanya ay ipagkakaloob naman ito ng Panginoon.

Kaugnay nito ay pagbibiro naman daw ng mga anak niya ay paano raw siya makakahanap ng love life kung lagi naman itong nasa bahay.

--Ads--

Ayon naman kay Jackie kung may ibibigay naman daw si Lord para sa kanya ay bakit hindi, ngunit hindi naman daw siya naghahanap.

Taong 2011 noong tuluyang makipaghiwalay si Jackie sa kanyang husband of 22 years na si Ricky Davao.

Simula raw noon ay hindi naging priority ng aktres ang magkaroon ulit ng partner or mag-entertain ng manliligaw kahit na may ilang nakakatrabaho siya na tila nagpaparamdam sa kanya.

Never din daw sinubukan ni Jackie ang mga dating apps kahit na may mga kaibigan siyang pinipilit siyang subukan ang mga ito.