DAGUPAN CITY- Hinimok ng Bantay Bigas ang gobyerno na panguhaing tulungan ang sektor ng agrikultura para masuportahan ang paggawa ng pagkain sa bansa sapagkat hindi naman nakasasapat ang epekto ng mga ipinatupad na rollback sa produktong petrolyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo, Spokeseprson ng Bantay Bigas, kanilang ipinapanawagan ng Bantay Bigas ang pagbili ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa produktong palay ng mga magsasaka upang masuportahan ang kanilang kabuhayan.
Gayundin ang pagbabasura sa Excise Tax, Value-Added Tax, at Oil Deregulation Law na isa sa nagpapahirap sa mga magsasaka at maging sa mga konsumer.
At inaasahan pa nila na karagdagan pasanin ang banta ng El Nino sa bansa.
Giit ni Estavillo, isa itong hamon para sa pamahalaan na tulungan ang mga lokal na magsasaka at mapabuti ang produksyon ng mga ito.
Mungkahi niya na gamitin ng gobyerno ang P200 billion unprogrammed funds mula sa 2026 Budget para suportahan ang agrikultura ng bansa.
Sa katunayan, wala pa umanong natatanggap na tulong ang karamihan ng mga magsasaka at mangingisda na mula sa gobyerno, bagay na taliwas sa ipinagmamalaki ng pamahalaan.
Binigyan diin pa niya na hindi makakatulong sa nararanasang krisis ang patuloy na importasyon, bagkus, magiging talamak lamang ang price manipulation.
Dagdag pa niya, habang tumitindi ang kurapsyon sa bansa, labis rin itong nakakaapekto sa mga magsasaka para mabigay ang kanilang mga pangangailangan.










