Ikinasawi ng isang tricycle driver ang pamamaril sakanya ng isang hindi pa nakikilalang suspek.

Kinilala ang biktima na si Edwin Lopez, 34 -anyos na residente ng Sitio Abalaten, Brgy. Tebeng dito sa syudad ng Dagupan na siya ring pinangyarihan ng insidente.

Habang ang suspek naman ay isinalarawan na nakasakay siya sa kanyang motorsiklo habang nagpapaputok ng baril.

--Ads--

Ayon kay Pmaj. Apollo Calimlim – Deputy COP, Dagupan City PNP, base sakanilang isinagawang imbestigasyon, bago pa man mangyari ang insidente, nakapaghatid pa ng pasahero ang biktima sa Brgy. Parongking, sa bayan ng Calasiao.

Ang nasabing tricycle ay hindi pagmamay-ari ng biktima.

Nagsisilbi itong service ng kanyang hinahatid at may kapalitan din siyang nagmamaneho nito. Nang pabalik na ang tricycle at pagkapasok nito sa pinangyarihan ng insidente, ay dito na siya pinagbabaril ng suspek na agad ding tumakas at naging dahilan ng pagkasawi ng biktima. Agad naman siyang niresponde at dinala ng CDRRMC sa ospital ngunit idineklara na itong dead-on-arrival.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon patungkol sa nasabing insidente habang sinisikap nilang makakalap ng lead at ongoing ang tracking para matukoy ang suspek.