Dagupan City – Nasugatan ang isang menor de edad at isang lalaking lasing na naganap na aksidente sa Provincial Road ng Brgy. Poblacion Zone III sa bayan ng San Quintin.
Sa imbestigasyon, binabaybay ng asul na motorsiklo ang direksyong silangan (outer lane) nang biglang sumulpot ang itim na motorsiklo mula sa barangay road at pumasok sa shoulder ng eastbound lane, na nagresulta sa banggaan.
Dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat ang mga driver kaya dinala sa ospital para lunasan habang di naman nasaktan ang angkas na menor de edad.
Kinilala ang mga sangkot na motorista na isang lalaki na 44-anyos na may asawa, amoy alak na residente ng Brgy. Lagasit sa nasabing bayan na nagmamaneho ng asul na motorsiklo at isang 17-anyos na Grade 11 student na walang driver’s license na residente sa bayan na nagmamaneho ng motorsiklo na itim at may angkas na menor de edad din na hindi nakasuot ng helmet.
Parehong nagtamo ng sira ang mga motorsiklo at kasalukuyang nasa kustodiya ng San Quintin Police Station para sa karagdagang imbestigasyon.









