Isang lalaki sa Canada ang hindi nilubayan ng isang agresibong turkey at para makatakas, sumakay ito sa napadaang sasakyan ng taong hindi niya kakilala.
Naglalakad ang nasabing lalaki na si Michael Bourgon sa Prince of Wales Drive at Heron Road sa Ottawa nang kaniyang mapansin ang dalawang turkey na sumusunod sa kaniya.
Hindi niya ito gaano pinansin subalit, nang kaniyang kamustahin ang mga ito, tsaka na naging agresibo ang mga ito.
--Ads--
Nakuhanan ng isang witness na si Jody Paul ang pangyayari hanggang sa sinubukang takasan ni Bourgon ang mga turkey, kabilang na rito ang pagbato ng mga snow.
Natakasan laman niya ito nang sumakay siya sa sasakyan ng isang stranger.
Ani Bourgon, ang mismong driver ang nag-alok sa kaniya ng tulong.









