Mga kabombo! Ano ang gagawin mo kung ang uiniwan mong makalat na tahanan ay nadatnan mo nang malinis at wala ng labahin?

Ito kasi ang nangyari sa isang ginang na mag-isa lamang na naninirahan sa isang lungsod sa United Kingdom?

Ayon sa ulat, pinasok kasi ang tahanan ng kinilalang si Damian Wojnilowicz, 36-anyos.

--Ads--

Ngunit imbis na magnakaw ng mga appliances, isinampay niya ang mga naiwang labahin ng may-ari ng bahay, nag-mop ng sahig, nagtapon ng basura, pinakain ang mga alagang ibon ng owner, nagbukas din siya ng red wine, naglagay ng sweets sa bowl at ipinagluto pa ng pagkain ang may-ari. And wait… There’s more, dahil may pa-note pa itong “Don’t worry, be happy, eat up and scratch.”?

Kung kaya’t gano’n na lamang ang pagkabigla ng owner nang dumating ito sa kaniyang sariling tirahan.

Nang magtanong naman ito sa isang kapitbahay, sinabi ng huli na may napansin nga siyang nagsasampay ng mga labada. Hanggang sa inireport naman niya ito sa kapulisan, dito na napag-alaman na nangyari rin ito sa kalapit na tahanan.

Kung saan lumalabas sa nakita sa CCTV na pinasok nga ni Damian ang mga tahanan ngunit ang kaibahan naman nito, naligo doon si

Damian gamit ang kanilang hot tub at nilabhan ang kanyang sariling damit. Habang iniwan naman niyang marumi ang paliguan.
Inubos din niya ang mga pagkaing nakita sa loob ng bahay, at tulad sa unang pinasok na bahay ay uminom siya ng alak.

Dito na nakumpirmang si Damian nga ang nasa likod ng mga ito matapos na mag-match din ang kaniyang fingerprints sa nakuha mula sa bahay ng unang bikitma.

Matapos maaresto si Damian, nagbigay ng pahayag ang una niyang naging biktima sa local media.

Sinampahan si Damian ng two counts of burglary—at umamin sa korte na guilty.

Napag-alamang wala siyang permanenteng tirahan, at apat na beses na rin pala siyang nakulong noon dahil sa mga kasong common assault, public order offenses, and failing to surrender.