Arestado ang isang drug den operator at 5 iba pa sa isinagawang operasyon ng PDEA Pangasinan dito sa lungsod ng Dagupan.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Dennis De Guzman drug den operator, at pusher , at limang iba pa na sina Jeffrey De Vera, Jericho Buenaventura, Benedict Operania, at Joy Paras.
Matagal na umanong minamanmanan si De Guzman dahil sa natatanggap nilang ulat sa pag-kakaugnay nito sa iligal na droga.
--Ads--
Nang magsagawa umano ng operasyon , nagkaabutan ang PDEA agent at si De Guzman ng shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang P100,000 at nang pasukin ang bahay nito ay tumambad naman ang ginagawang sesyon ang limang iba pa.
Nahaharap sa patong patong na kaso ang mga nahuling suspek.