BOMBO DAGUPAN –Isang high school basketball coach mula Maine sa Estados Unidos ang sumira sa dating world record matapos makashoot ng maraming 3 points sa loob ng isang oras.

Kinilala ang World Record Breaker na si Ryan Martin, coach sa Lake Region High School at dating Mr. Maine Basketball.

Nakashoot siya ng 1,134 3 point shots habang mayroon itong 1-hour time limit.

--Ads--

Nahigitan nito ang 2012 record ni Daniel Loriaux ng Oregon na nakapagtala ng 1,077.

Gayunpaman, hinahantay pa ni Martin ang masasabi ng Guinness World Records kung opisyal niyang makukuha ang titulo.