BOMBO DAGUPANArestado ang isang 69 taon gulang na lalaki matapos umano nitong saksakin ng screwdriver ang nakaalitan nito sa harap ng isang bus station sa Brgy. Poblacion, lungsod ng Alaminos.

Ayon kay PMaj. Oliver Baniqued, Chief Investigator ng Alaminos PNP, kinilala ang biktima na si Christian Callega, 33 taon gulang, walang asawa, vendor, at residente ng Brgy. Pogo, sa nasabing lungsod. Habang ang suspek naman ay kinilalang si Hercules Bataller, may asawa, vendor din, at residente ng Sitio Dampay, Brgy. Poblacion, sa parehong lungsod.

Base sa kanilan imbestigasyon, dumating umano ang suspek sa food stall ng biktima upang konprontahin ito. Nang magkainitan ang mga ito, naglabas umano ang suspek ng screw driver at sinaksak ang biktima kung saan natamaan ang ulo at leeg nito.

--Ads--

Agad naman dinala ang biktima sa Western Pangasinan District Hospital.

Samantala, nasa kustodiya na ng Alaminos City PS ang suspek, maging ang patalim nito.