DAGUPAN CITY- Idinaos ng Iran ang isang state funeral para sa humigit-kumulang 60 katao, kabilang ang mga mataas na opisyal ng militar na nasawi sa loob ng 12-araw na sagupaan laban sa Israel.

Nababalot ng watawat ng Iran at may larawan ng mga nasawing opisyal at ipinarada malapit sa Enghelab Square sa Tehran, habang dinagsa ito ng mga nakikiramay na nakasuot ng itim, may dalang watawat ng Iran, at may mga plakard ng mga nasawi.

Natapos ang labanan sa pagitan ng Israel at Iran sa pamamagitan ng tigil-putukan, kasunod ng direktang paglahok ng Estados Unidos sa pamamagitan ng pambobomba sa ilang nuclear facility sa Iran.

--Ads--

Ayon sa mga ulat, isinara ang mga tanggapan ng gobyerno at may libreng sakay sa bus at metro upang mahikayat ang publiko na makilahok sa seremonya.