Inihayag ni US President Donald Trump na humiling umano ng ceasefire ang bagong lider ng Iran sa gitna ng patuloy na tensyon sa United States.
Sa kanyang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na handa nilang pag-aralan ang kahilingan kung magiging bukas, ligtas, at malaya ang Strait of Hormuz para sa paglalayag.
Dagdag pa niya, magpapatuloy ang operasyon ng U.S. laban sa Iran hangga’t hindi natutupad ang kondisyong ito.
Ang Strait of Hormuz ay isang mahalagang rutang pandagat kung saan dumaraan ang malaking bahagi ng suplay ng langis sa buong mundo.
Dahil dito, ang anumang pagsasara o kaguluhan sa nasabing lugar ay may direktang epekto sa pandaigdigang ekonomiya at presyo ng langis.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa Iran tungkol sa naturang isyu.










