DAGUPAN CIY- Ilang mga hakbang ng pulisya sa lalawigan ng Pangasinan, isinusulong upang maipakita ang kanilang neutrality opara sa nalalapit na halalan.

Isinusulong ng mga kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan ang ilang mga hakbang upang mas maging payapa at pantay ang kanilang pagbabantay gagawing halalan.

Ayon kay Pol. Rollyfer Capoquian, Provincial Director, Pangasinan PPO, patuloy pa rin ang kanilang opisina sa pagbabantay ng anomang mga election related incidents.

--Ads--

Aniya, sa kabila ng mga political bets ng mga kapulisan ay sinisiguro pa rin ng kanilang hanay ang pagiging neutral at pantay.

Isa rin sa kanilang isinasagawang aktibidad ay ang pag-iwas sa pagpapahayag ng kanilang election related insights sa social media.