BOMBO DAGUPAN- Nailagay umano sa kapahamakan ang US National Security dahil sa mga naging aksyon ng gobyerno ng Estados Unidos sa Gaza war.

Iginiit ng 12 dating opisyal ng Biden Administration, na dahil sa polisiyang itinatag ng US sa Israel, naging mainit din umano ang tingin sa America.

Inaakusahan naman ng mga ito ang US government na patuloy kumakapit sa “hindi nagtagumpay na polisiya”.

--Ads--

Pinabulaanan naman ng US Department of State ang nasabing claims ng 12 resign officials.

Samantala, bumaba sa pwesto ang nasabing 12 opisyal dahil din sa nasabing polisiya.