Dagupan City – Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Former President Rodrigo Duterte at idinala na sa Crame kaugnay sa inisyu na order na umano’y warrant laban sa kaniya.

Bago ito, nauna nang kinumpirma ni Senador Christopher “Bong” Go na pinagbawalan silang pumasok at kinansela ang kanilang airport pass kahit pa kasama nito ang abogado at personal physician ni Duterte para sumailalim ang dating pangulo sa medical check up

Nakiusap na rin ang Senador sa mga security personnel ng Ninoy Aquino International Airport na makapasok sa isang bahagi ng NAIA.

--Ads--

Ayon naman kay Atty. Vic Rodriguez na pati siya ay hindi alam kung ano ang grounds ng pag-papaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago pa man ang pagdating ng pangulo sa airport, ay nakaantabay na sa mismong entrance ng VIP Lounge ng Terminal 3 ang mga pulis at ilang personnel ng CIDG para sa maaaring pagaresto sa kaniya.

Habang lumapag naman ang eroplano nito mula sa Hongkong pasado 9:22 ngayong umaga.