Dagupan City – Mga kabombo! Hanggang saan ang kaya niyong gawin para lamang ma-hire sa isang kumpaniya?

Sagad kung sagad kasi sa pandaraya ang ginawa ng isang 15-anyos sa South Africa matapos madiskubreng peke pala ang kaniyang Curriculum Vitae.

Ayon sa ulat, sinentensiyahan ng 15 taong pagkakakulong ang isa sa mga sikat na engineer sa South Africa matapos madiskubreng ang kaniyang ilegal na ginawa.

--Ads--

Nabisto umano ang kinilalang si Daniel Mthimkhulu matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa isang kilalang kumpanya sa naturang bansa.

Lumalabas pa umano na hindi rin nagtaka ang ilang kumpanya kay Mthimkhulu dahil naging head engineer pa siya sa loob ng 5 years at naging matagumpay din ang kaniyang career kung saan ay sumasahod pa umano si Mthimkhulu ng $156,000 o katumbas na P8.7 milyon.