Dagupan City – Arestado ng Lingayen Municipal Police Station ang isang wanted individual na nahaharap sa kaso dahil sa paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act.
Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng direktang pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Junmar C. Gonzales, Chief of Police ng Lingayen MPS, bilang bahagi ng patuloy na pagtugis sa mga indibidwal na may kinakaharap na warrant of arrest.
Ayon sa pulisya, layunin ng operasyon na matiyak ang agarang pagpapatupad ng mga warrant at maihatid sa korte ang mga indibidwal na may pananagutang legal.
Sa isinagawang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang mga karapatang nakasaad sa Konstitusyon sa wikang nauunawaan nito, alinsunod sa Miranda Doctrine at mga umiiral na batas laban sa torture.
Patuloy naman ang Lingayen MPS sa pagpapatupad ng mga operasyon laban sa mga wanted person at iba pang lumalabag sa batas bilang bahagi ng pagpapanatili ng seguridad, kaayusan at kaligtasan ng publiko sa bayan.










