Ipinaliwanag ni Ombudsman records custodian Atty Karen Batu sa impeachment court na hindi partikular na hinihingi sa SALN form na magkahiwalay na ideklara ang cash on hand at cash in bank.

Ayon kay Batu, Hindi rin tahasang ipinagbabawal ng Republic Act no. 6713 o Code of Conduct and ethical standards for public officials and employees ang pagsasama-sama o paglalump ng personal properties sa saln.

Samantala, sinabi ni Batu na sa ilang taon ng pagsusumite ng saln ni Vice President Sara Duterte, walang nakatalang cash on hand o cash in bank.

--Ads--

Gayunman, nilinaw ni Batu na ang kanyang testimonya ay nakabatay sa mga dokumentong nasa kanilang kustodiya at hindi siya nagbibigay ng konklusyon sa aktuwal na pinagmulan o katumpakan ng mga idineklarang assets.