Nagpaabot ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang malakas na lindol sa katimugang Mindanao ang F♦FOREVER, ang konsiyertong inorganisa na tampok ang tatlong miyembro ng sikat na grupong F4 na sina Jerry Yan, Van Ness Wu, at Vic Chou, kasama si Ashin, bokalista ng bandang Mayday,

Matapos ang kamakailang lindol sa Mindanao, libu-libong pamilya ang nahaharap sa hamon ng muling pagbangon mula sa pagkawasak ng kanilang mga tahanan at kabuhayan.

Bilang tugon, nagbigay ang mga miyembro ng Asian phenomenon na F♦FOREVER ng ₱2.5 milyon upang suportahan ang mga relief operation para sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao.

--Ads--

Ang kanilang taos-pusong donasyon ay dumating bago ang kanilang inaabangang unang world tour stop sa Pilipinas sa Hunyo 27 sa Philippine Arena.”

Ayon pa sa foundation, malaking tulong ang donasyong ito upang mapalakas ang kanilang mga programa sa pagbibigay ng agarang ayuda tulad ng maiinit na pagkain, food packs, mahahalagang suplay, at iba pang suporta para sa mga bata at pamilyang naapektuhan ng sakuna.

Nakatakdang idaos ang konsiyerto sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Hunyo 27 bilang unang destinasyon ng kanilang world tour.

Ang nasabing konsiyerto ay n matagal nang hinihintay na reunion ng mga bida ng Meteor Garden, ang Taiwanese drama series na ipinalabas sa Pilipinas noong 2003 at naging dahilan ng tinaguriang “F4 Fever” na nagpasikat kina Jerry Yan, Vic Chou, Van Ness Wu, Ken Chu, at sa yumaong aktres na si Barbie Hsu sa milyun-milyong Pilipino.