Humingi ng paumanhin ang American Pop-rock band na LANY lead vocalist na si Paul Klein sa kanilang mga tagahanga hinggil sa tuluyang pagkansela ng nakatakdang concert ng kanilang grupo sa Cebu nitong Huwebes, November 12, 2026.

Umani ng pagkadismaya mula sa kanilang mga fans ang nasabing pagkansela ilang oras lamang bago magsimula ang pagtatanghal sa kanilang “Soft World Tour” Concert sa SM Seaside Cebu Arena.

Naghihintay na umanong makapasok ang maraming concertgoers sa venu nang ianunsyo ng concert promoter na Live Nation Philippines ang biglaang postponement ng concert dahil umano sa natuklasang problema sa bubong ng venue matapos maisagawa ang soundcheck.

--Ads--

Bagama’t may mga umaasa pang ma-reschedule ang conert, kinumpira na ng Live Nation nitong Nobyembre 13 na tuluyan nang kanselado ang pagtatanghal dahil sa mga isyung may kinalaman sa kaligtasan ng venue.