Iginawad kina Maricel Soriano at Maris Racal ang Best Actress awards sa magkaibang kategorya, habang kinilala naman si McCoy de Leon bilang Best Actor sa 74th FAMAS Awards na ginanap sa Fiesta Pavilion ng The Manila Hotel nitong Martes ng gabi, Oktubre 27.
Sa gabi ng parangal hinirang na Best Actress si Maricel habang iginawad naman kay Maris ang kauna-unahang Actress of Distinction sa kasaysayan ng FAMAS awards.
Matatandaang pinarangalan din sina Maricel at Maris bilang parehong Best Actress sa nagdaang 42nd PMC Star Awards for Movies na sinundan ng nasabing pagkilala sa FAMAS.
Samantala, nasungkit naman ni McCoy de Leon ang Best Actor category at tinalo ang heavy favorite na si Jerico Rosales.
Naigawad ang parangal kay McCoy matapos nitong maging nominado sa pagganap nito bilang Fr. Rhoel Gallardo sa pelikulang In Thy Name.










