Nakatakdang ihahatid sa huling hantungan ang comedian-singer na si Gil Aducal Morales o mas kilalang Ate Gay sa darating na martes November 10, 2026.
Inilabas ito sa isang post sa mga social media accounts ng komedyante kasabay ng anunyo hinggil sa public viewing ng kaniyang mga labi na nagsimula noong Nobyember 4 hanggang Nobyembre 9 sa Forest Lake, Biñan, Laguna.
Samantala, bukas ang pagdalaw sa publiko mula alas otso ng umaga hanggang alas tres nang hapon habang bukas naman ito anumang oras para sa mga pamilya, katrabaho at iba pang malalapit na kaibigan ni Ate Gay.
--Ads--
Magugunitang pumanaw ang komedyante nitong Nobymbre 1 matapos nitong maharap sa stroke at madiagnose ng septic shock at acute respiratory failure secondary to pneumonia.










