Isinumite ng P-Pop group na SB19 ang dalawa sa kanilang mga kanta bilang “entry for consideration” sa 2027 Grammy Awards.
Nitong Octubre 13, inanunsyo ng grupo ang kanilang pagsali sa pamamagitan ng isang post sa kanilang social media pages.
Kung saan ibinahagi nilang ang kantang “VISA” ay isinumite para sa kategoryang “Best Asian Pop Music Performance” habang ang “LAWLESS” naman ay nasa ilalim ng kategoryang “Best Pop Group Performance.”
--Ads--
Sa caption naman ng naturang post, nagpasalamat ang grupo sa suportang kanilang natatanggap habang hinihikayat ang publikong tangkilikin at sama-samang dalhin sa pandaigdigang entablado ang musikang Pilipino.










