Dagupan City – Inilunsad ng Department of Health ang bagong kampanya na ‘Alas kwatro kontra Mosquito’ sa bansa kamakailan lamang na naglalayong maiwasan ang pagkalat ng mga sakit na dala ng mga lamok, tulad ng dengue.
Ayon kay Dr. Rheul Bobis , medical office IV ng Department of health Region 1 ang nagiging sanhi ng sakit na dengue ay mga lamok kaya naman kailangang puksain, hanapin at sirain ang mga lugar na posibleng pangitlugan ng mga lamok o ang breeding sites.
Panawagan nito sa publiko na aktibong makilahok sa programa alang alang sa kanilang pamilya at kalusugan. Anya na mahalaga ang pagsasagawa ng paglilinis at pagsira sa mga tahanan ng lamok na nagdadala ng skait na dengue.
Ang “Alas Kwatro” ay tumutukoy sa oras ng hapon, kung kailan ang mga lamok ay aktibo. Ang kampanya ay naglalayong maging aktibo rin nag mga tao sa pagsasagawa ng ktibidad sa pamamagitan ng paglilinis at pagpapatay sa mga lamok sa oras na ito.
Sa alas kwatro program ng DOH ay mayroong apat na T ang dapat gawin at sundin ng publiko, Ang taob, taktak, tuyo at takip.