BOMBO DAGUPAN – Hindi umano nakikita si Alice Guo ng ilang mga barangay officials ng bayan ng Sual sa mga okasyon at aktibidad sa kanilang bayan matapos itong mai-ugnay kay Sual, Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa isang Barangay official sa bayan ng Sual na itago na lamang sa pangalang alyas “Joey”, aniya ay hindi pa niya nakikilala o nakikita manlang si Guo sa mga okasyon sa nasabing bayan gayundin ang iba pang mga constituents ay hindi pa ito na-eencounter manlang.

Saad niya na ngayon lamang pumutok ang pangalan ni Guo dahil kung mga ordinaryong tao lamang aniya ang tatanungin katulad na lamang niya ay hindi talaga ito kilala.

--Ads--

Bukod dito ay idinagdag pa niya na ang lumalabas na isyu kay Mayor Dong at kay Guo ay parang nahihila na lamang dahil mainit ngayon ang nasabing usapin.

Dahil dito ay hindi daw niya masasagot kung may relasyon ba ang dalawa bagamat ito ay isang pribadong bagay na ang dalawang alkalde lamang ang nakakaalam.

Samantala, matatandaan nitong Huwebes na hindi sumipot si Mayor Dong sa pagpapatuloy na pagdinig ng Senado sa pag-alis ni Guo sa Pilipinas at sa kanyang naging liham kay Senator Risa Hontiveros, sinabi nito na hindi siya nakadalo dahil sa dengue fever.