Sugatan ang isang dating barangay kapitan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nakilala ang biktima na si Elly Ancheta, 67 taong gulang na dating Punong Barangay ng Polong, Bugallon.

Napag-alaman na lulan ng isang motorsiklo ang biktima habang tinatahak ang kakalsadahan sa naturang bayan nang may nag-overtake na motor sakay ang dalawang lalaki at pinagbabaril si Ancheta.

--Ads--

Natamaan ang dating kapitan ng bala ng baril sa mukha at kasalukuyang nilalapatan ng lunas.

Sa ngayon ay inaalam pa ng kapulisan ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.