Parehong sugatan ang dalawang drayber ng motorsiklong sangkot sa nangyaring banggaan sa bayan ng San Manuel.

Sangkot dito ang isang 18-anyos na isang construction worker na walang lisensiya na residente ng Sitio Calaocan sa Brgy. San Roque at isang 51-anyos na lalaki, may asawa, at may lisensiya na residente naman ng Sitio Bobon sa Barangay San Roque sa parehong bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon na parehong patungo sa hilaga ang dalawang motorsiklo nang mangyari ang insidente

--Ads--

Nangyari ito sa pagtatangka ng isang motorsiklo na umovertake sa kaliwa habang ang nasa unahan na motorsiklo din ay papasok sa kaliwang liko na nagsanhi ng pagkabangga na ikinatumba at ikinasugat ng mga biktima.

Hindi naman nakainom ang dalawang drayber na sangkot sa aksidente.

Matapos ang aksidente ay parehong dinala sa Rural Health Unit (RHU) ang dalawa habang ang mga sasakyan ay nagtamo ng pinsala.