Nakatakdang isagawa sa Mayo 16, 2026 ang competitive examination para sa mga aplikante ng Binmaley Scholarship Assistance Program para sa incoming first-year college students sa bayan ng Binmaley.

Gaganapin ang pagsusulit sa Binmaley Evacuation Center kung saan itinakda ang call time alas-8:00 ng umaga at eksaktong magsisimula ang examination alas-8:30 ng umaga.

Ayon sa abiso ng programa, hinihikayat ang lahat ng aspiring scholars na maghanda nang mabuti at dumating nang maaga upang maiwasan ang abala sa araw ng pagsusulit.

--Ads--

Pinapayuhan din ang mga examinees na dalhin ang mga kinakailangang gamit tulad ng lapis, ballpen, bottled water, at valid ID. Nilinaw ng organizers na hindi papayagang makapasok ang sinumang walang valid ID.

Mahalaga ring tandaan ng mga aplikante ang kanilang kaukulang numero dahil ito ang magsisilbing examinee number sa araw ng examination.

Layunin ng Binmaley Scholarship Assistance Program na matulungan ang mga estudyanteng makapagpatuloy sa kolehiyo sa pamamagitan ng educational assistance at scholarship support mula sa lokal na pamahalaan.