Aminado ng Commission on Higher Education (CHED) Region 1, na problema ng ilang paaralan ang pagbibigay ng approval ng mga magulang para sa face to face classes.

Paliwanag ni Dr. Danilo Bose, OIC-Chief Education Program Specialist, CHED Region 1, isa ito sa requirement upang makapagsagawa ng face to face classes ang isang paaralan.

Giit naman ni Bose na wala namang pilitan sa mga magulang kung papayagan o hindi gayundin sa mga institutions kung gusto ba nila magimplement ng face to face classes.

--Ads--

Nabatid na mula sa mahigit 50 colleges and universities sa Pangasinan 3 pa lamang ang nagooperate para sa mga health related courses.

Inihayag naman ni Bose na mga fully vaccinated na ang aatend sa mga limited face to face classes sa mga colleges and universities sa Region 1.

Dr. Danilo Bose, OIC-Chief Education Program Specialist, CHED Region 1

Kinumpirma naman ni Bose na may mga bagong approved na courses para sa limited face to face na kinabibilangan ng Engineering & Technology, Hotel and Restaurant Management, Tourism Management, Marine Transportation at Marine Engineering.

Bagamat, sa ngayon aniya ay wala pang nagaapply na mga institutions sa Region 1 maging sa lalawigan ng Pangasinan sa panibagong approved new courses.