Excited na ibinahagi ng OPM boy group na BGYO ang magandang balita kung saan magkakaroon sila ng kanilang kauna-unahang solo concert sa darating na Oktubre 4, na gaganapin naman sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Inanunsyo ng grupo ang concert sa pamamagitan ng isang social media post, kung saan inilabas nila ang opisyal na “save the date” para sa kanilang mga fans.

Ang nasabing concert na pinamagatang “BGYO: The First Solo Concert” ay isang malaking milestone para sa five member group na sina Akira, Gelo, JL, Mikki, at Nate.

--Ads--

Matatandaang ipinagdiwang ng BGYO ang kanilang ika-apat na anibersaryo noong Enero ng taong ito.

Nabuo naman ang grupo noong 2018 sa ilalim ng isang academy show at dumaan sa masusing training na kahalintulad ng K-pop trainee system.

Taong 2021 nang opisyal silang mag-debut sa industriya ng musika.