BOMBO DAGUPAN- Dalawang tama ng bala ng baril.

Ito ang lumabas sa autopsy record mula sa National Bureai of Investigation (NBI) sa natagpuang bangkay ni Beauty Pageant Contestant Geneva Lopez at ang kaniyang Israeli fiancé na si Yitzhak Cohen.

Ayon sa NBI, may tama sa dibdib at hita si Lopez habang dalawa naman ang natamong tama ng bala ng baril sa dibdib ang kaniyang nobyo.
Samantala, hawak na ng mga otoridad ang dalawang suspek kung saan lumabas din sa imbestigasyon na posible umanong alitan dahil sa lupa ang motibo sa krimen.

--Ads--

Matatandaan naman na huling nakita ang mga biktima noong June 21 nang bisitahin ng mga ito ang lupang kanilang bibilhin sana sa Capas, Tarlac. At nito lamang nang matagpuan ang kanilang bangkat sa Barangay Sta. Lucia, sa parehong lugar.