Dagupan City – Suportado ng Bagong Administrasyon ng bayan ng Labrador ang pagpapatayo ng nuclear power plant sa kanilang bayan.

Ayon kay Labrador Mayor Noel Uson, makakaasa si Pangasinan 2nd District Representative Mark Cojuangco na susuportahan ng kaniyang administrasyon ang layunin nito.

Kung titingnan kasi ani Uson ang adhikain ng proyekto ay may malaki itong maitutulong sa kanilang bayan.

--Ads--

Kung saan ay nakatakda itong magbigay ng libreng kuryente at magbibigay na rin ng karagdagang kabuhayan o trabaho sa mga residente sa bayan.

Matatandaan naman na nauna nang nilinaw ni Pangasinan 2nd District Representative na nasa kamay ng taumbayan ang desisyon sa pagpapatayo ng nuclear power plant sa bayan.