DAGUPAN CITY- Sumabay sa isinagawang Oathtaking Ceremony ng mga bagong talagang opisyal sa bayan ng Asingan ang paglalahad ng State of the Municipality Address ng kanilang alkalde.

Imbes na Inaguaral speech ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang napakinggan ay kanyang isenentro ang mga nagawang proyekto at programa sa kanyang administrasyon sa nakalipas na dalawang termino.

Kabilang sa kanyang binanggit dito ay tungkol sa mga nagawa sa Peace and Order , Infrastructure Project, Education, Agriculture, Disaster Preparedness, Health Care, Social Services, Animal health and rabies Prevention, mga natanggap na parangal ng bayan at iba pa.

--Ads--

Aniya na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ito ng kanyang ulat sa bayan dahil nakikita naman aniya ng taumbayan ang progreso ng kanilang nasasakupan gaya na lamang ng pagiging 1st class municipality sa kanyang pamumuno kaya dapat ihatid umano ang pang-1st class na serbisyo.

Sa kabilang banda, pormal na itong nanumpa kasama si Vice Mayor Heidee L. Ganigan-Chua para sa kanyang ikatlong termino at mga bagong halal na miyembro ng Sangguniang bayan.

Ilan sa mga ito ay nagbabalik para sa kanilang ikatlong termino habang ang iba ay bago palang sa pulitika.

Inaasahan na makakatuwang ito ng alkalde para sa progreso ng bayan dahil sa panahon na ito aniya ay kailangang ng pagtutulungan.

Saad pa nito na ang kanyang mas tututukan ay ang sektong ng kalusugan lalo na ngayong kanyang ikatlong termino dahil malaki ang pangangailangan ng kanilang bayan tungkol dito.

Samantala, isa din sa naunang kaganapan ay ang Inaguaration bessing ng kanilang bagong Public Auditorium na pinangalan sa Ama ng Alkalde na si Mayor Carlos P. Lopez Sr.

Ang pondong ginamit ay galing sa Department of Agrarian Reform sa pamumuno ni Secretary Condrado Estrella III.

Ayon sa alkalde na malaking tulong ito sa kaniyang nasasakupan upang may magamit ito ng lahat ng sektor tuwing may okasyon lalo na sa panahon ng tag-ulan.