Dagupan City – Tuluyan nang naghain ng reklamong cyberlibel ang aktor na si Dominic Roque laban kay Cristy Fermin.

Ayon sa ulat, ito na ang ikatlong cyberlibel complaint na inihain laban kay Cristy noong buwan lamang ng Mayo, 2024.

Matatandaan na una siyang sinampahan ng ex-fiancée ni Dominic na si Bea Alonzo noon lamang Mayo na isihain sa Quezon City Prosecutor’s Office. Dahil umano sa mga binanggit ni Cristy at ng kanyang co-hosts sa social media platform show na hiwalayan nina Bea at Dominic.

Bukod sa kanya, sinampahan din ng cyberlibel complaint ni Bea si Ogie Diaz at mga kasamahan nito sa social media platform show na “Ogie Diaz Showbiz Update.”

Bukod pa kila Domic at Bea, nagsampa rin ng cyberlibel complaint ang mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan laban kay Cristy noon lamang Mayi 10, 2024 dahil sa “Malicious statements” laban sa kanilang pamilya.

Ayon kay Kiko, dahil sa mga mapanirang salita at akusasyon ni Cristy tungkol sa kanilang pamilya na inilabas sa vlog sa iba pang posts ng host, nagdesisyon ang dalawa na sampahan ito ng reklamo.

Pahayg pa ni Kiko, karapatan nilang ipagtanggol ang kanilang sarili, lalo na ang kanilang pamilya, laban sa mga mapanirang pahayag na binitiwan ni Cristy sa social media.