Hinirang na “Best Undressed” ang aktres na si Andrea Brillantes dahil sa kontrobersiyal niyang “Tabloid Nakedness” Halloween costume sa naganap na “Shake, Rattle & Role 2026: LUCID.”

Kasunod ito nang kamakailan lamang ay muli na namang naging usap-usapan ang Halloween transformation ni Andrea sa kontrobersiyal na Tabloid Nakedness.

Ayon sa aktres, inabot umano ang kaniyang team ng halos limang oras para gawin ang realistic illusion ng pagiging hubad gamit ang costumized na prosthetics, body makeup at iba pang mga detalye mula sa dyaryo.

--Ads--

Sinabi rin ni Andrea na isa umanong interpretasyon ng kaniyang costume ay ang kahulugan ng pagiging hubad sa publiko na itinuturing ng karamihan bilang “nightmare.”

Samantala, ilan pa sa mga halloween transformation ng aktres ay sina Charlie Chaplin, Carrie at Marilyn Monroe.