Walang naitalang major Undas-related incident sa buong lalawigan ng Pangasinan hanggang hapon ng All Souls’ Day, Nobyembre 2, 2026.
Ito ang kinumpirma ni Ron Maegan Equila, Planning Head ng PDRRMO Pangasinan, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan matapos ang paggunita ng Undas.
Ayon kay Equila, may ilang minor incidents na naitala ngunit wala itong kinalaman sa paggunita ng Undas. Aniya, inaasahan pang dadagsa ang mga tao ngayong Nobyembre 2 dahil marami ang ngayon pa lang ang uuwi galing sa pagbisita sa sementeryo at sa mga tourist spot, lalo na at long weekend at dinadayo ang mga dagat sa Pangasinan.
Sa buong probinsya na may 44 munisipalidad at 4 na syudad, bawat LGU ay may higit sa isang sementeryong binantayan. Wala pang eksaktong datos sa dami ng bumisita dahil ongoing pa ang consolidation, ngunit nakatutok aniya ang DRRM sa pagbibigay ng standby medical assistance lalo na sa banta ng heat exhaustion at heat stroke bunsod ng El Niño.
Giit ni Equila, malaking tulong ang Incident Command System o ICS na umiiral na mula provincial hanggang LGU level, kung saan bawat sementeryo ay may naka-standby na ambulansya at ang ilang barangay ay may patient transport vehicle.
Binabantayan din ng PDRRMO ang baybayin, partikular sa Lingayen hanggang Binmaley, kung saan naka-poste ang rescuers sa mga tower katuwang ang PCG, PNP, Army at BFP na nag-augment para sa seguridad ng mga bumisita sa sementeryo na dumidiretso sa mga beach matapos ang Undas.










