Nasunog ang isang business shop sa Calasiao, Pangasinan ngayong Lunes ng hapon, na nadamay din ang katabing negosyo.
Ayon sa ulat, alas-5:35 ng hapon nang matanggap ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang report hinggil sa sunog at idineklarang fire out alas-5:59 ng gabi.
Nakatulong naman na malapit lamang sa lugar ang himpilan ng BFP kaya agad silang nakaresponde.
--Ads--
Kabilang sa mga paninda ng nasunog na establisimyento ang mga plastic wares.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.










