Farmers in North of Manila were looking forward to a good harvest this year . Pangasinan is the country’s third biggest rice producer, next to Nueva Ecija and Isabela provinces. But Farmers here was worried Price of palay.Photos by Mau Victa/Rappler

Nanawagan ang grupong Bantay Bigas na i-redirect ang bilyun-bilyong pisong unprogrammed funds at insertions sa 2027 national budget para sa pangangailangan ng mga magsasaka sa gitna ng pagbaba ng produksyon ng palay.

Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, kayang-kaya ng gobyerno na pondohan ang hinihinging P200 bilyong production subsidy kung gugustuhin, sa halip na mapunta sa mga hindi prayoridad na pondo.

Paliwanag niya, sa P200 bilyon, P150 bilyon ay para sa 3 milyong rice farmers at P50 bilyon ay pambili ng makinarya tulad ng harvester, tractor, dryer at solar-powered irrigation na pamamahalaan mismo ng mga organisasyon ng magsasaka, lalo na ng mga kababaihang na-displace dahil sa land use conversion.

--Ads--

Anila, may inilabas nang resolusyon ang Makabayan bloc sa Kongreso para sa P50,000 production subsidy bawat magsasaka bilang tugon sa mataas na presyo ng abono, pestisidyo at langis at sa epekto ng Super El Niño.

Binatikos din ni Estavillo ang pahayag ng Department of Agriculture na “typographical error” lamang ang budget sa farm-to-market road.

Giit ng grupo, habang bilyones ang nailalaan sa ibang pondo, nananatiling baon sa utang ang mga magsasaka dahil sa mahal na inputs at sa mababang presyo ng palay na binibili ng traders, habang wala pang 3 porsyento lamang ang nabili ng NFA.